AA's Poetry

Tinawag mo ako sa kalapayan Sinundan kita Hiniling mo ang aking balat Iniladlad ko Pinisil mo ang aking ugat Ikinimpi ko

Tinanong mo ako: “Ano ang kapalit ng aking pag-ibig? Handa ka ba na inumin ang aking dugo, Mangisay sa sakit, at mawalan ng kulay ang buhay?”

Sinta, handa ako.

Naiwanan ko ata ang aking puso Sa gitna ng kamang pinagdikit natin. O baka nahulog sa ating lakad sa Estancia, O sa rooftop bar sa Pobla. Habang magkahawak ang ating kamay, Bago ang aksidenteng halik.

Kung makita mo man ito, Pakiingatan na lang hanggang sa susunod nating pagkikita. Ibiyak natin ang puso ko sa dalawa, Para sa susunod nating yakap, Mapagsama natin ito, At malaman kong nariyan ka na.

Enter your email to subscribe to updates.